Logo ng TartilTartilLive na radyo

Surah ‘Abasa: teksto at salin ng kahulugan

Ika-80 na surah sa Mushaf, 42 na ayah, nagsisimula sa pahina 585.

Pakinggan ang mga pagbigkas nitoBasahin ang surah na ito sa Mushaf kasama ang tafsir‹ Surah An-Nāzi‘ātSurah At-Takwīr ›

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

1. Nagkunot-noo siya[1] at tumalikod siya

[1] Ibig sabihin: si Propeta Muhammad

2. dahil dumating sa kanya ang bulag.[2]

[2] Ang bulag ay si `Abdullāh ibnu Umm Maktūm na sumasabad sa paghiling ng patnubay samantalang ang Propeta naman ay abala sa pag-aanyaya sa Islam ng mga malaking tao ng liping Quraysh.

3. Ano ang magpapaalam sa iyo na marahil siya[3] ay magpapakabusilak [sa kasalanan]

[3] ang bulag

4. o magsasaalaala para magpakinabang sa kanya ang paalaala?

5. Tungkol sa nag-akalang nakasasapat [para mangailangan ng pananampalataya],

6. ikaw ay sa kanya nag-aasikaso.

7. Ano [ang maisisisi] sa iyo na hindi siya magpakabusilak [sa kasalanan]?

8. Hinggil naman sa dumating sa iyo na nagpupunyagi [sa paghahanap ng kabutihan]

9. habang siya ay natatakot [kay Allāh],

10. ikaw ay sa kanya nagwawalang-bahala.

11. Aba’y hindi! Tunay na ang mga [talatang] ito ay isang pagpapaalaala;

12. kaya ang sinumang lumuob ay mag-aalaala siya nitong [ Qur’ān].

13. [Ito ay] nasa mga pahinang pinarangalan,

14. na inangat na dinalisay,

15. na nasa mga kamay ng mga [anghel na] tagatala,

16. na mararangal na mabubuting-loob.

17. Sumpain ang tao [na tagatangging sumampalataya]; anong palatangging sumampalataya nito!

18. Mula sa aling bagay lumikha Siya nito?

19. Mula sa isang patak lumikha Siya nito saka nagtakda Siya rito.

20. Pagkatapos sa landas[4] ay nagpadali Siya nito.

[4] ng paglabas mula sa sinapupunan

21. Pagkatapos nagbigay-kamatayan Siya rito saka nagpalibing Siya rito.

22. Pagkatapos kapag niloob Niya ay bubuhay Siya rito.

23. Aba’y hindi! Hindi pa ito gumanap sa ipinag-utos Niya rito.

24. Kaya tumingin ang tao sa pagkain nito –

25. na Kami ay nagbuhos ng tubig sa pagbubuhos,

26. pagkatapos bumiyak Kami sa lupa nang biyak-biyak [para sa halaman],

27. saka nagpatubo Kami rito ng mga butil,

28. at ubas at kumpay,

29. at oliba at datiles,

30. at mga harding malago,

31. at prutas at damo –

32. bilang tinatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo.

33. Ngunit kapag dumating ang Dagundong[5]

[5] Ibig sabihin: ang ikalawang pag-ihip sa tambuli.

34. sa Araw na tatakas ang tao mula sa kapatid niya,

35. at ina niya at ama niya,

36. at asawa niya at mga anak niya.

37. Ukol sa bawat tao kabilang sa kanila sa Araw na iyon ay isang kaukulang sasapat sa kanya.

38. May mga mukha sa Araw na iyon na nagliliwanag,

39. na tumatawa na nagagalak.

40. May mga mukha sa Araw na iyon na sa mga ito ay may alabok.

41. May lulukob sa mga ito na isang panglaw.

42. Ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya na masasamang-loob.

Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)

Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.

Pakinggan ang mga pagbigkas nitoBasahin ang surah na ito sa Mushaf kasama ang tafsir‹ Surah An-Nāzi‘ātSurah At-Takwīr ›