Logo ng TartilTartilLive na radyo

Surah Al-Burūj: teksto at salin ng kahulugan

Ika-85 na surah sa Mushaf, 22 na ayah, nagsisimula sa pahina 590.

Pakinggan ang mga pagbigkas nitoBasahin ang surah na ito sa Mushaf kasama ang tafsir‹ Surah Al-InshiqāqSurah At-Tāriq ›

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

1. Sumpa man sa langit na may mga konstelasyon,

2. sumpa man sa Araw na ipinangako,

3. sumpa man sa isang tagasaksi[1] at sa isang sinasaksihan;

[1] gaya ni Propeta Muḥammad

4. isinumpa ang mga kasamahan ng bambang

5. na [may] apoy na may panggatong,

6. noong sila sa tabi nito ay mga nakaupo

7. habang sila, sa ginagawa nila sa mga mananampalataya, ay mga saksi.

8. Hindi sila naghinanakit sa mga ito maliban na sumampalataya ang mga ito kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Kapuri-puri,

9. na sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Si Allāh, sa bawat bagay, ay Saksi.

10. Tunay na ang mga umusig sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya, pagkatapos hindi sila nagbalik-loob, ay ukol sa kanila ang pagdurusa sa Impiyerno at ukol sa kanila ang pagdurusa ng pagsusunog.

11. Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Iyon ang pagkatamong malaki.

12. Tunay na ang pagsunggab[2] ng Panginoon mo ay talagang matindi.

[2] O paghihiganti.

13. Tunay na Siya ay nagpapasimula [ng paglikha] at nagpapanumbalik [nito].

14. Siya ay ang Mapagpatawad, ang Mapagmahal,

15. ang May trono, ang Maringal,

16. palagawa ng anumang ninanais Niya.

17. Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay ng mga kawal

18. ni Paraon at ng [liping] Thamūd?

19. Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nasa isang pagpapasinungaling,

20. samantalang si Allāh, mula sa likuran nila, ay Tagapaligid.

21. Bagkus ito ay isang Qur’ān na maringal,

22. na nasa isang Tablerong Pinag-iingatan.

Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)

Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.

Pakinggan ang mga pagbigkas nitoBasahin ang surah na ito sa Mushaf kasama ang tafsir‹ Surah Al-InshiqāqSurah At-Tāriq ›