Ika-110 na surah sa Mushaf, 3 na ayah, nagsisimula sa pahina 603.
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1. Kapag dumating ang pag-aadya ni Allāh at ang pagsakop
2. at nakakita ka [O Propeta Muḥammad] sa mga tao na pumapasok sa [ Islām na] Relihiyon ni Allāh nang mga pulu-pulutong
3. ay magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya. Tunay na Siya ay laging Palatanggap ng pagbabalik-loob.
Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)
Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.