Logo ng TartilTartilLive na radyo

Surah Al-Infitār: teksto at salin ng kahulugan

Ika-82 na surah sa Mushaf, 19 na ayah, nagsisimula sa pahina 587.

Pakinggan ang mga pagbigkas nitoBasahin ang surah na ito sa Mushaf kasama ang tafsir‹ Surah At-TakwīrSurah Al-Mutaffifīn ›

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

1. Kapag ang langit ay nabitak,

2. kapag ang mga tala ay kumalat,

3. kapag ang mga dagat ay isinambulat,

4. at kapag ang mga libingan ay hinalukay;

5. malalaman ng isang kaluluwa ang ipinauna niya at ipinaantala niya [na mga gawa].

6. O tao, ano ang luminlang sa iyo hinggil sa Panginoon mo, ang Mapagbigay?

7. [Siya] ang lumikha sa iyo, saka humubog sa iyo, saka nagpaangkop sa iyo.

8. Sa alinmang anyo na niloob Niya ay bumuo Siya sa iyo.

9. Aba’y hindi! Bagkus nagpapasinungaling kayo sa pagtutumbas [sa mga gawa].

10. Tunay na sa inyo ay talagang may mga tagapag-ingat,

11. na mararangal na mga tagasulat.

12. Nakaaalam sila sa anumang ginagawa ninyo.

13. Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa isang kaginhawahan.

14. Tunay na ang mga masamang-loob ay talagang nasa isang impiyerno.

15. Masusunog sila roon sa Araw ng Pagtutumbas.

16. Sila palayo roon ay hindi mga makaliliban.

17. Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagtutumbas?

18. Pagkatapos ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagtutumbas?

19. [Iyon ay] sa Araw na hindi makapagdudulot ang isang kaluluwa sa isang kaluluwa ng anuman at ang pag-uutos sa Araw na iyon ay ukol kay Allāh.

Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)

Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.

Pakinggan ang mga pagbigkas nitoBasahin ang surah na ito sa Mushaf kasama ang tafsir‹ Surah At-TakwīrSurah Al-Mutaffifīn ›