Logo ng TartilTartilLive na radyo

Surah Al-Layl: teksto at salin ng kahulugan

Ika-92 na surah sa Mushaf, 21 na ayah, nagsisimula sa pahina 595.

Pakinggan ang mga pagbigkas nitoBasahin ang surah na ito sa Mushaf kasama ang tafsir‹ Surah Ash-ShamsSurah Ad-Duhā ›

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

1. Sumpa man sa gabi kapag bumabalot ito,

2. sumpa man sa maghapon kapag nahayag ito,

3. sumpa man sa pagkalikha sa lalaki at babae;

4. tunay na ang pagpupunyagi ninyo ay talagang sarisari.

5. Kaya hinggil naman sa sinumang nagbigay [ng isinatungkulin] at nangilag magkasala

6. at nagpatotoo sa pinakamaganda,[1]

[1] Ibig sabihin: ang ipinangako ni Allāh.

7. magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamadali;

8. at hinggil naman sa sinumang nagmaramot at nagturing na makapagsarili

9. at nagpasinungaling sa pinakamaganda,[2]

[2] Ibig sabihin: ang ipinangako ni Allāh.

10. magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamahirap.

11. Ano ang maidudulot para sa kanya ng yaman niya kapag nabulid siya [sa Impiyerno]?

12. Tunay na nasa Amin ay talagang ang pagpapatnubay.

13. Tunay na sa Amin ay talagang ang Kabilang-buhay at ang Unang-buhay.

14. Kaya nagbabala Ako sa inyo ng apoy na naglalagablab.

15. Walang masusunog doon kundi ang pinakamalumbay,

16. na nagpasinungaling [sa inihatid ng Sugo] at tumalikod.

17. Paiiwasin doon ang pinakatagapangilag magkasala,

18. na nagbibigay ng yaman niya [sa kabutihan] habang nagpapakabusilak [sa kasalanan]

19. at hindi para sa isang mayroon siyang anumang biyayang gagantihan,

20. bagkus dala ng paghahangad sa [ikalulugod ng] Mukha ng Panginoon niya, ang Pinakamataas.

21. Talagang malulugod siya [sa ibibigay ni Allāh].

Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)

Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.

Pakinggan ang mga pagbigkas nitoBasahin ang surah na ito sa Mushaf kasama ang tafsir‹ Surah Ash-ShamsSurah Ad-Duhā ›