Logo ng TartilTartilLive na radyo

Surah Ad-Duhā: teksto at salin ng kahulugan

Ika-93 na surah sa Mushaf, 11 na ayah, nagsisimula sa pahina 596.

Pakinggan ang mga pagbigkas nitoBasahin ang surah na ito sa Mushaf kasama ang tafsir‹ Surah Al-LaylSurah Ash-Sharh ›

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

1. Sumpa man sa kaliwanagan [ng umaga],

2. sumpa man sa gabi kapag lumukob ito;

3. hindi namaalam sa iyo [O Propeta Muḥammad] ang Panginoon mo at hindi Siya nasuklam.

4. Talagang ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa Unang-buhay.

5. Talagang magbibigay sa iyo ang Panginoon mo kaya malulugod ka.

6. Hindi ba nakatagpo Siya sa iyo na isang ulila kaya kumanlong Siya sa iyo?

7. Nakatagpo Siya sa iyo na isang nalilingat kaya nagpatnubay Siya [sa iyo].

8. Nakatagpo Siya sa iyo na isang naghihikahos kaya nagpasapat Siya.

9. Kaya hinggil naman sa ulila ay huwag kang manlupig [sa kanya].

10. Hinggil naman sa nanghihingi ay huwag kang magtaboy [sa kanya].

11. Hinggil naman sa kaugnay sa biyaya ng Panginoon mo ay magsanaysay ka.

Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)

Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.

Pakinggan ang mga pagbigkas nitoBasahin ang surah na ito sa Mushaf kasama ang tafsir‹ Surah Al-LaylSurah Ash-Sharh ›