Ika-94 na surah sa Mushaf, 8 na ayah, nagsisimula sa pahina 596.
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1. Hindi ba nagpaluwag Kami para sa iyo ng dibdib mo [O Propeta Muḥammad]?
2. Nag-alis Kami palayo sa iyo ng pasanin mo,
3. na nakabigat sa likod mo.
4. Nag-angat Kami para sa iyo ng pagbanggit sa iyo.
5. Kaya tunay na kasama sa hirap ay ginhawa.
6. Tunay na kasama sa hirap ay ginhawa.
7. Kaya kapag nakatapos ka [sa gawain] ay magpakapagal ka [sa pagsamba],
8. at sa Panginoon mo ay magmithi ka.
Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)
Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.