Ika-105 na surah sa Mushaf, 5 na ayah, nagsisimula sa pahina 601.
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1. Hindi mo ba napag-alaman kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo sa mga kasamahan ng elepante?
2. Hindi ba Siya gumawa sa panlalansi nila [para wasakin ang Ka`bah, na mauwi] sa isang pagkawala?
3. Nagsugo Siya sa kanila ng mga ibon na kawan-kawan,
4. na nagpupukol sa kanila ng mga batong mula sa luwad na nanigas.
5. Kaya gumawa Siya sa kanila gaya ng uhay na kinainan.
Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)
Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.