Ika-104 na surah sa Mushaf, 9 na ayah, nagsisimula sa pahina 601.
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1. Kapighatian ay ukol sa bawat palalibak na mapanirang-puri,
2. na nag-ipon ng yaman at bumilang-bilang nito,
3. habang nag-aakala na ang yaman niya ay magpapanatili sa kanya.
4. Aba’y hindi! Talagang ihahagis nga siya sa Mapangwasak.
5. Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Mapangwasak?
6. [Ito ay] ang Apoy ni Allāh, na ginagatungan,
7. na nanunuot sa mga puso.
8. Tunay na [Impiyernong] ito sa kanila ay itataklob
9. sa mga haliging binanat.
Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)
Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.