Ika-107 na surah sa Mushaf, 7 na ayah, nagsisimula sa pahina 602.
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1. Nakakita ka ba sa nagpapasinungaling sa pagtutumbas?
2. Sapagkat iyon ay ang nagsasalya sa ulila
3. at hindi nanghihikayat sa pagpapakain sa dukha.
4. Kaya kapighatian ay ukol sa mga tagapagdasal,
5. na sila sa pagdarasal nila ay mga nagpapabaya,[1]
[1] Ibig sabihin: nagwawalang-bahala hanggang sa matapos ang oras nito.
6. na sila ay nagpapakitang-tao
7. at nagkakait ng munting tulong.
Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)
Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.