Ika-113 na surah sa Mushaf, 5 na ayah, nagsisimula sa pahina 604.
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1. Sabihin mo: “Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng bukang-liwayway
2. laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya
3. at laban sa kasamaan ng pusikit kapag lumaganap ito,
4. at laban sa kasamaan ng mga babaing [manggagaway na] palaihip sa mga buhol,
5. at laban sa kasamaan ng isang naiinggit kapag naiinggit ito.”
Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)
Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.