Ika-114 na surah sa Mushaf, 6 na ayah, nagsisimula sa pahina 604.
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1. Sabihin mo: “Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao,
2. na Hari ng mga tao,
3. na Diyos ng mga tao,
4. laban sa kasamaan ng tagapasaring na palaurong,
5. na nagpapasaring [ng kasamaan] sa mga dibdib ng mga tao,
6. kabilang sa mga jinn at mga tao.”
Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)
Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.