Ika-101 na surah sa Mushaf, 11 na ayah, nagsisimula sa pahina 600.
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1. Ang Tagakalampag.
2. Ano ang Tagakalampag?
3. Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Tagakalampag?
4. Sa Araw na [iyon], ang mga tao ay magiging para bang mga gamugamong pinakalat
5. at ang mga bundok ay magiging para bang mga lanang nahimulmol.
6. Kaya hinggil naman sa sinumang bumigat [sa kabutihan] ang mga timbangan niya,
7. siya ay nasa isang pamumuhay na nakalulugod.
8. Hinggil naman sa sinumang gumaan [sa kabutihan] ang mga timbangan niya,
9. ang kanlungan niya ay kailaliman [ng Impiyerno].
10. Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano iyon?
11. [Iyon ay] isang Apoy na napakainit.
Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)
Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.